Hati ang desisyon ng mga European Union countries sa pagbabawal ng touris visas sa mga Russians.
Nagbabala kasi si EU foreign affairs chief Josep Borrel na ang pagbabawal sa mga tao na ayaw sa giyera ay hindi makatarungan.
Tanging mga tao lamang na sumusuporta kay Russian President Vladimir Putin ang dapat na pagbawalan.
Ilan sa mga bansa na hindi rin sang-ayon sa pagapapataw ng total ban sa mga Russians ay ang France at Germany.
Naniniwala kasi si German foreign minister Annalena Baerbock na hindi ito magiging epektibo.
Una ng nanawagan ang foreign minister ng Estonia na dapat paigtingin ng EU ang kanilang pagresponde sa ginawang paglusob ng Russia sa Ukraine.
Nagbabala na rin si Russian Deputy Foreign Minister Alexander Grushko sa EU na mayroong hindi magandang kahinatnan kapag itinuloy nila ang visa ban sa mga mamamayan ng Russia.