-- Advertisements --
Inaprubahan ng drug regulator ng European Union ang COVID-19 vaccines ng Pfizer-BioNTech at Moderna para sa paglaban sa Omicrcon variant.
Ang mga “bivalent’ vaccines ay kayang puksain ang original virus at ang BA.1 subvariant ng Omicron.
Ayon pa sa European Medicines Agency (EMA) na ang nasabing mga bakuna ay hindi updated sa mga bago at nakakahawang mga BA.4 at BA.5 types na naging dominant na sa mundo.
Dagdag pa nila na ang nasabing bakuna ay isang bersyon ng Comirnaty vaccines na gawa ng Pfizer-BioNTech at Spikevax na gawa ng Moderna para matarget ang BA.1 subvariant.
Ito rin ay itinuturok sa mga bata edad 12 pataas.