Nagkasundo ang European Union at Pilipinas na palakasin ang maritime cooperation partikular na sa pinagtatalunang karagatan.
Sa isang joint statement, nagkasundo ang EU at Pilipinas na humanap ng matiwasay na solusyon para sa sigalot sa rehiyon kasabay ng paggalang sa mga principle ng intenational law at UN Charter.
Binigyang diin din ang hindi natitinag na commitment para sa malayang paglalayag at overflight sa disputed water at kahalagahan ng pagrespeto sa sovereign rights ng mga estado sa loob ng kani-kanilang exclusive economic zones alinsunod sa international law lalo na sa ilalim ng 1982 UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at dispute settlement mechanism at Arbitration Award na iginawad sa ilalim ng UNCLOS noong 2016.
Napagkasunduan din ng dalawang panig ang pagpapalakas pa ng kooperasyon sa maritime issues sa pamamagitan ng paglikha ng EU-Philippines Subcommittee on Maritime Cooperation.
Una ng nagsagawa ng ikatlong joint committee meeting ang EU at Pilipinas kaugnay sa maritime security sa Brussels,Belgium noong Hunyo 30.