-- Advertisements --
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Etihad Airways sa ulat na nawala ang mga kagamitan at bagahe ng ilang mga Filipino na nakabalik sa bansa mula sa kaguluhan sa Israel at Hamas militants.
Base kasi sa nasabing airline companies na kaniyang tinutukoy kung saan nawala ang mga bagahe dahil mula sa Tel Aviv, Israel ay nag-stopover muna sila sa Abu Dhabi bago nagtuloy sa Pilipinas.
Makikipag-ugnayan umano ang nasabing airline company sa mga biktima para malaman ang ilang detalye.
Una ng sinabi ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na tutulungan nila ang mga pasaherong nawalan ng mga gamit at mga bagahe.