-- Advertisements --

Maghahain ng ethics complaint si Navotas Represetantive Toby Tiangco laban kay Ako Bicol Partylist Representative Zaldy Co.

Bahagi ng complaint ni Tiangco,laban sa dating appropriations panel chair ay ang kawalan ng records ng small committee, hindi naipapaliwanag na mga budget insertions at ang interes ng kumpanya na pag-aari ni Co ang Sunwest.

Inamin din nito na maghahain din siya ng supplemental complaint batay sa naging pahayag sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.

Dahil dito, sinabi ni Tiangco dapat lamang sagutin ni Co ang mga reklamo.

Nang tanungin kung ano ang kaniyang rekumendasyon sakaling hindi tutugon si Rep. Co, aniya ipinauubaya na niya sa Komite kung ano ang magiging sanction para kay Co.

Sa panig naman ni, House Speaker Faustino “Bojie” Dy III, pag-uusapan ng Ethics Committee ang kanilang magiging hakbang sakaling hindi bumalik ng bansa si Co.

Kung maalala, binigyan ng 10 araw ni Dy si Rep. Co para bumalik ng bansa.