DAVAO CITY – Patay ang isang estudyante matapus mahulugan ng debris sa kanyang ulo nang gumuho ang second floor ng kanilang school building sa kasagsagan ng 6.6 magnitude na lindol kaninang pasado alas 9 ng umaga.
kinilala ang biktima na si Jessie Riel Farva, lalaki, 15 anyos, Grade 9 student ng Kasuga National High School at nakatira sa Barangay Blucon Magsaysay, Davao del Sur.
Batay sa report, pababa na sana ang biktima sa hagdanan kasama ang iba pang mga estudyante nang biglang may nahulog na malaking debri mula sa bobong ng kanilang paaralan at malaks na tumama sa ulo ng biktima.
nagawa pa umanong makababa ng hagdanan si Farva at nilapatan pa ng first aid ng kanyang mga guro, bago dinala sa ospital.
pero habang nasa byahe umano, nalagutan na ng hininga ang biktima dahil sa maraming dugo na nawala sa kanya.
samantala, dalawang iba pang mga empleyado ang nasugatan at limang mga estudyante ang nawalan ng malay dito sa lungsod ng dahil pa rin sa lindol.
suspendido na rin ang klase at trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno dito sa lungsod ng Dabaw, davao del sur at ilang bayan ng Compostela valley province.
nilinaw naman ng phivolvs na wala iniulat na mayroong tsunami sa kabila ng sunod-sunod pa ring mga malalakas na after shocks.