Nakuhanan ng mahigit 100 sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1.5 milyon at baril ang isang business administration student sa lungsod ng Makati.

Sinabi ni Makati City police chief Rogelio Simon, naaresto ang suspek sa isinagawa nilang anti-drug operation sa Barangay Bangkal.

Kasama nitong naaresto ang isang out-of-school youth na kasabwat nito.

Inamin ng suspek na nabili nito ang baril sa halagang P5,000.

Inihahanda na ng mga kapulisan ang kaso laban sa suspek.

-- Advertisement --