burke espn.jpg
ESPN broadcaster Doris Burke

Kinumpirma ng isang babaeng sporstcaster ng higanteng sports network sa Amerika na ESPN na si Doris Burke na nagpositibo rin siya sa COVID-19.

Ayon kay Burke nagsimula siyang makaramdam ng sintoma ng sakit noong March 11 matapos ang coverage niya sa laro sa pagitan ng Denver Nuggets at Dallas Mavericks.

Ang naturang petsa ang huling araw ng NBA games matapos ipatupad ang suspension ng games.

Agad namang nilinaw ni Burke na maayos na ngayon ang pakiramdam niya sa kabila na siya ay COVID patient.

Pero noong mga unang araw daw ay nakaramdam siya ng sobrang pagkahapo, pagkakaroon ng dry cough at mataas na lagnat.

Kung maalala sa NBA umabot din sa 10 mga players ang nagpositibo sa COVID liban pa sa ilang staff at opisyal ng liga.