espenido
Police Lt. Col. Jovie Espenido

Naniniwala si Lt. Col. Jovie Espenido na may politiko ang nasa likod kaya nasama ang pangalan niya sa narco-list.

Bagamat hindi na nito binanggit ang nasabing politiko ay malaki raw ang posibilidad na napolitika siya.

-- Advertisement --

Hindi rin nito maitago ang labis na pagkadismaya dahil naging mahigpit naman siya sa pagpapatupad ng anti-illegal drug campaign ng gobyerno.

Noon pang 2017 ay pinatanggal na ang kaniyang pangalan sa narco-list subalit may mga ibang opisyal daw ng PNP na duda sa pagkatao niya kaya muling napasama ang pangalan niya.