-- Advertisements --
Nag-emergency landing ang eroplanong sinasakyan ni Polish President na si Andrzej Duda.
Patungo sana ito sa Rzeszow ang southeastern bahagi ng Poland ng ito ay napilitang mag-emergency landing at bumalik sa Warsaw.
Hindi naman binanggit ng kampo ng Polish President ang dahilang ng kanilang pag-emergency landing.
Matapos ang ilang oras ay nakabalik na rin ito sa Rzeszow kung saan nakatakda siyang makipagpulong kay US President Joe Biden na kasalukuyang bumibisita sa nasabing bansa.
Kinumpirma ng White House ang pag-emergency landing ng nasabing eroplano ng Polish President.