Nilinaw ng aktor na si Eric Fructuoso ang tunay na estado ng relasyon nila ng aktres na si Kim Molina.
Sa isang panayam, diretsahang sinabi ni Eric na hindi sila magkasintahan.
Ayon sa aktor, magkaibigan lamang sila ni Kim at madalas magkasama dahil magkalapit ang kanilang mga bahay at pareho silang mahilig sa healthy lifestyle.
Dagdag pa niya, parang anak na ang turing niya kay Kim dahil aniya ay magkahawig ang ugali nito at ng kanyang anak.
Ipinaliwanag din ni Eric na bukod sa dati silang nagkasama sa isang teleserye, pareho rin silang nasa ilalim ng iisang talent manager. Madalas din umano silang mag-bonding kasama ang broadcaster na si Mark Manicad.
Samantala, nang tanungin kung babaero ba siya, pabirong sagot ni Eric, hindi raw siya babaero kundi “marupok” lamang.
Aniya, ang tunay na babaero ay gumagawa ng paraan para manligaw ng maraming babae, bagay na sinabi niyang hindi niya ginagawa.












