-- Advertisements --

Itinanggi ng actress na si Kim Rodriguez sa isyung may namamagitan sa kanila ng basketbolistang si Marc Pingres.

Sinabi ng manager ng actress na si Ogie Diaz na walang katotohanan ang lumabas na balita.

Dagdag pa nito na magkahiwalay naman ang itinuturong mga larawan na magkahawig ang background.

May mga kaibigan umano ang actress na nagpapatunay na sila ang kasama nito.
Una ng itinanggi ni Pingris at asawang si Danica Sotto ang nasabing usapin.