-- Advertisements --

Pinabulaanan ng mga anak ni dating US President Donald Trump na mayroong silang kinalaman sa kaso na kinakaharap ng kanilang ama.

Sa pagtestigo sa korte sa New York nina Eric at Donald Jr na sinabi nilang inosente sila sa nasabing paratang at hindi tama na isama sila sa kaso.

Sinisi ni Donald Jr ang mga accountants ng kanilang mga kumpanya na nag-ayos ng kanilang mga financial statements at mag-ayos ng mga loans at insurance.

Iginiit naman ni Eric na wala siyang kaalam-alam sa nasabing mga dokumento.

Nakatakdang muling magtestigo sa korte ang dating pangulo sa araw ng Lunes.

Humihirit naman si Attorney General Letitia James ng nasa $250 milyon na multa at permanent ban laban kay Trump at mga anak nitong si Donald Jr at Eric sa pagpapatakbo ng kanilang negosyo sa New York.