Reading Time: 1 minute

Pinasisilip ng Korte Suprema sa Energy Regulatory Commission (ERC) ang inaprubahan nitong aplikasyon ng Manila Electric Company (Meralco) para sa dagdag singil ng kuryente at unbundled rates.

Pinawalang bisa ng Kataas-taasang Hukuman ang approval ng ERC sa rate hike application ng Meralco noong 2000 at unbundled rates noong 2001 dahil nilabag daw nito ang mandato na serbisyuhan ang mga consumer sa abot kayang halaga.

Nabatid ng mga mahistrado na hindi pinansin ng ERC ang findings ng Commission on Audit (COA).

Inirekomenda kasi noon ng state auditors sa Meralco na huwag nito bawiin sa pamamagitan ng dagdag singil sa kuryente ang umabot sa bilyong pisong operating expenses nito noong 2004 at 2007.

Inaasahan kasing papalo sa P0.30 kada kilowatt hour at P1.12 kada kilowatt hour ang madadagdag sa singil ng kuryente sa ilalim ng approval ng ERC.

Ayon sa ponente ng desisyon na si Senior Assoc. Justice Antonio Carpio, kailangang maintindihan ng ERC na gobyerno pa rin ang nagre-regulate sa Meralco at iba pang electricity distribution utilities.

“Meralco and other electricity distribution utilities are monopolies that are regulated by the State, particularly on the rates they charge consumers. The same rationale in regulating power acquisition costs by distribution utilities applies to the allowable depreciation of capital assets by distribution utilities in the present case,” ani Carpio.