Kasabay ng pagsisimula ng panahon ng pangangampanya, umapela ang grupong BAN Toxics sa mga kandidato na iwasan ang pagkakalat ng mga plastic at iba pang basura.
Apela ng grupo, gumamit ng mga eco-friendly materials sa kanilang gagawing campaign materials, at iwasan ang labis-labis na mga pulyetos at iba pa.
Katwiran ng grupo, maliban sa ito ay nakakatulong sa kapaligiran, pagtalima rin ito sa isinasaad ng batas ukol sa halalan.
Inihalimbawa ng grupo ang nilalaman ng COMELEC Resolution No. 10294 s. 2018 na dapat ay gawa sa mga bagay na nareresiklo ang mga mga campaign materials ng mga kandidato
Hinikayat din nito ang bawat kandidato sa Brgy at Sangguniang Kabataan na manguna sa pagprotekta sa kalikasan at kapaligiran.
Samantala, umapela ang naturang grupo sa mga kandidato na pagkatapos ng halalan, anuman ang magiging resulta nito, kailangang balikan ng mga ito ang kanilang ipinaskil na election materials.
Payo ng grupo sa mga kandidato, paghiwalayin ang mga ito ay ayusin ang mga maaari pang i-resiklo at itapon ng maayos ang mga hindi na maaaring mapakinabangan.