-- Advertisements --
Napilitang kanselahin ng Gilas Pilipinas ang kanilang ensayo nitong Lunes ng gabi kulang isang buwan bago ang pagsisimula ng 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia.
Ayon kay Gilas Pilipinas coach Chot Reyes, na mayroong pitong manlalaro mula sa 28-man pool ang nagkumpirma na dadalo sa ensayo kaya nagdesisyon sila na kanselahin na lamang ito.
Ang nasabing bilang ay mas malayo noong nakaraang linggo nilang ensayo na mayroong 17 mga manlalaro ang dumalo.
Pagtitiyak naman ni Reyes na babawi sila sa mga susunod na linggo kung saan dodoblehin nila ang mga araw ng ensayo para sa SEA Games na magsisimula sa Mayo 5.










