-- Advertisements --
image 132

Kasado na ang national kick off ng Brigada Eskwela at enrollment para sa School Year 2023-2024 sa pangunguna pa rin ng Department of Education.

Tatlong araw bagyo ang opisyal na pagsisimula ng pasukan ng mga estudyante ngayong buwan.

Layunin nito na tiyaking handa ang lahat ng mga paaralan para sa muling pagbubukas ng klase sa bansa.

Batay sa nilagdaang Department of Education Order 22 ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte, ang enrollment para sa nalalapit na academic year ay gaganapin mula August 7 to 26, 2023.

Ayon DepEd spokesperson Usec. Michael Poa, inaasahang aabot sa 28.7 million hanggang 28.8 million ang bilang ng mga estudyanteng mag-eenrol ngayong taon.

Aniya, mas mataas ang bilang na kanilang inaasahang magpapa-enroll ngayon kumpara sa 28.4 million mag-aaral sa 44,931 public schools at 12,162 private schools na una nang naitala noong nakalipas na taon.

Samantala, sa darating na August 29 nakatakdang magsimula ang pasukan sa lahat ng mga pampublikong paaralan sa buong bansa, habang mayroon namang opsyon ang mga private schools na buksan ang kanilang mga klase ng mas maaga ngunit hindi lalagpas sa huling araw ng buwan ng Agosto.