-- Advertisements --

Kinontra ni dating Senate President Juan Ponce Enrile ang pagmamadali ng ilang mambabatas na matapos pagtalakay sa prangkisa ng ABS-CBN.

Sa paglahok ni Enrile sa pagdinig ng Senate committee on public services na pansamantalang pingunahan ni Sen. Sherwin Gatchalian, nagbahagi ng kaniyang panig ang dating pinuno ng Senado.

Ayon sa 96-anyos na dating mambabatas, hindi makatwirang sabihin na nakadepende ang nakararaming Filipino sa pagkalap ng balita at kaalaman mula sa telebisyon lamang.

Giit ni Enrile, mas malawak ang nararating ng radyo, na siyang pinagkukunan ng mahahalagang impormasyon ng mga mamamayan, kahit sa mga malalayong lugar.