CEBU CITY — Idineklara ni Cebu City Mayor Edgardo Labella nga isasailalim ang lungsod ng Cebu sa enhanced community quarantine simula ngayong Sabado, Marso 28 ng tanghali.
Ito ang naging deklarasyon ng alkalde matapos naitala ang 12 “presumptive positive cases” ng COVID-19 sa lungsod ng Cebu.
Dahil dito, nag-utos si Labella na isasara ang 14 na borders para sa mga non-residents ng nasabing syudad ngunit mananatili itong bukas para sa mga frontliners at mga nagkakarga ng basic commodities.
Hindi na pinayagang makabyahe ang mga pampublikong sasakyan, private vehicles, kabilang na ang mga motorsiklo.
Payo ngayon ni Labella sa mga kababayan na sumunod na lang sa ipinatupad na protocols dahil para ito sa kaligtasan ng lahat laban sa nakamamatay na virus.