Pumanaw na sa edad na 75-anyos ang English writer, comedian, at musician na si Neil Innes.

Nakilala si Innes nang maging bahagi ito ng Bonzo Dog Doo-Dah Band, The Rutles na isang Beatles parody group, at ang collaboration nila ni Monty Python.

Ayon sa tagapagsalita ng pamilya Innes, wala naman daw dinaramdam na sakit ang manunulat at biglaan na lamang itong pumanaw nitong Linggo ng gabi (local time).

Hiling naman ng pamilya na gusto muna nila ng privacy matapos ang pangyayari.

Kaugnay nito, agad na naglabas ng kani-kanilang mga reaksyon ang ilan sa mga kasamahan ni Innes tungkol sa kanyang kamatayan.

“Deeply saddened by the death of Neil Innes,” pahayag ng music writer na si Mark Lewisohn. “Loved his brilliant witty music, loved him. Mankind will miss his wry sagely wisdom.”

Nagpaalam na rin kay Innes ang kapwa nito komedyante at aktres na si Diane Morgan.

“One of the nicest people I’ve ever met and a towering talent,” ani Morgan. (CNN/ BBC)