-- Advertisements --

Hindi pinaporma ng England ang Senegal 3-0 sa round of 16 match nila sa FIFA World Cup na ginaganap sa Qatar.

Dominado ng ranked number 5 ang laro mula sa simula ng laro laban sa ranked number 18 na Senegal na ginanap sa Al Bayt Stadium.

Unang nakapagtala ng goal si Jordan Henderson sa loob ng 38 minuto at bago matapos ang first ay naipasok ni Harry Kane ang goal.

Sa simula ng ikalawang half ay pinilit ng Senegal na makahabol hanggang sa muling nakapagtala ng goal si Bukayo Saka sa loob ng 57 minuto ng laro.

Hindi na hinayaan pa ng England na makapagtala pa ng goal ang kalabang koponan at tuluyang inubos na oras.

Dahil sa panalo ay makakaharap ng England ang France na unang tinalo ang Poland sa darating na Disyembre 11.

Nasa unang puwesto ang England sa Group B kung saan tinambakan nila ang Iran sa score na 6-2 nagtapos rin sa 0-0 draw ang laban nila ng USA at wagi rin sila sa Wales 3-0.