-- Advertisements --

Tinambakan ng England ang Wales 3-0 sa Group B ng nagpapatuloy na FIFA World Cup.

Sa simula ng laro ay dominado ng ranked number 5 na England ang laro at hindi pinaporma ang ranked 19 na Wales sa laro na ginanap sa Ahmed bin Ali Stadium.

Nagtapos ang first half ng walang puntos hanggang pagpasok ng second half ay magkakasunod na nakapasok ang goals ng England sa loob ng 18 minuto.

Dalawang goals ang naipasok ni Marcus Rashford habang mayroong isang goal kay Phil Foden.

Dahil sa talo ay laglag na ang Wales sa World Cup habang susunod na makakaharap ng England ang Senegal para sa knockout stage.