-- Advertisements --

Hindi pinaporma ng England ang Iran sa kanilang unang laro sa Group B ng FIFA World Cup sa Qatar sa score na 6-2.

Dominado ng England ang laro kung saan sila ang unang nakapagtala ng puntos sa unang limang minuto ng laro.

Matapos ang ilang minuto ay muling naipasok ni Bukayo Saka ng England ang corner kick kaya naitala nila ang 2-0 na kalamangan.

Matapos ang 65 minute ay nakuha ng Iran ang puntos 4-1.

Matapos ang ikaanim na goal ng England ay nabigyan ng pagkakataon ang Iran ng penalty kick ng lumabas sa video assistant referee (VAR) na hinili ng England attacker ang Iranian defender.

Naipasok ni Mehdi Taremi ang ang puntos at nakuha ang 6-2 na puntos.

Ranked number 5 ang England habang ranked 20 naman ang Iran sa pinakahuling FIFA ranking.

Nagtala ng record ang England sa pamamagitan ni Bukayo Saka na sa edad na 21-anyos at 77 araw ay naging pinakabatang manlalaro na nakapagtala ng mahigit sa isang puntos sa World Cup game habang si Jude Bellingham na edad 19-anyos at 145 araw ay naging pangalawang pinakabatang manlalaro na goalscorer sa kasaysayan ng World Cup na sumunod kay Michael Owen noong 1998 sa edad na 18-anyos at 190 araw.