CENTRAL MINDANAO- Naniniwala si 153 AMIN o Anak Mindanao partylist congresswoman Amie Sangcopan na ang insidenteng barilan sa bayan ng Madamba sa lalawigan ng Lanao del Sur kung saan ikinasawi ng apat na miyembro ng MILF ay hindi makakaapekto sa kasalukuyang kapayapaang tinatamasa sa Mindanao.

Naniniwala rin ang Anak Mindanao partylist na hindi rin ito makakaapekto para sa darating na halalan sa pangakalahatan.

Ang Anak Mindanao partylist ay isa sa mga nagsusulong ng pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.

Kabilang din sila sa nagsulong ng batas ng pagpapalawig ng taon sa pagpapa-renew ng passport at benepisyo para sa Senior Citizens kasama na ang Anti-Discrimination Bill.