Iginiit ng Hawaii na ang Aquaculture at green enery ay ilan sa mga lugar kung saan ang Pilipinas at Hawaii ay maaaring palakasin ang ugnayan sa usapin ng enerhiya.
Ayon kay Hawaii State Senator, Glenn Wakai, maraming magagandang pagkakataon sa pakikipagtulungan sa espasyo ng enerhiya sa Pilipinas.
Aniya, isa sa mga kalakasan ng Pilipinas ay ang likas na yaman ng ating bansa.
Sinabi ni Wakai na mayroong isang Hawaiian company na nagtatrabaho sa isang geothermal plant project sa Pilipinas.
Binigyang-diin din niya ang pagtulak ng Hawaii para sa renewable energy habang inaasam nitong umabot sa 100 %renewable energy sa 2045.
Katulad nito, ang Pilipinas ay nagsusumikap din ng paglipat sa greener resources ng energy dahil target nitong pataasin ang bahagi ng renewable energy sa power generation mix ng Pilipinas sa 35% sa 2030, at 50% sa 2040.
Sa hangaring makamit ang layuning ito, patuloy na tinatanggap ng Pilipinas ang mas maraming pamumuhunan sa sektor ng renewable energy.