Ikinatuwa ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ang desisyon ng ruling PDP-Laban na iendorso siya bilang kanilang napiling suportahan para sa House speakership race.
Sa isang statement, sinabi ni Velsco na magsisilbing inspirasyon para sa kanya na magtrabaho ng maigi sa pagsusulong ng pagbabago sa Kamara ang pagtitiwala na ibinigay sa kanya ng kanyang mga kapartido.
“I am deeply humbled and honored by the endorsement of Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) for speakership in the House of Representatives,” ani Velasco sa isang statement.
Una rito, sinabi ni Pacquiao na bukod sa suporta ng kanyang mga kapartido, naniniwala rin daw sila na magiging mabuti kung ang susunod na House Speaker ay bata at nagsusulong talaga ng kapakanan ng taumbayan.
Ayon naman kay Velasco, ang suporta sa kanya ng kanyang mga partymates ay magsisilbing inspirasyon sa kanya para ituon ang kanyang atensyon sa mga panukalang kailangang aprubahan para magtuloy-tuloy ang achievements ng Duterte administration.
“If elected Speaker of the 18th Congress as representative of the single most dominant party in Congress and the political party of President Rodrigo Duterte, I assure them that I will remain a consultative and a listening leader, who welcomes his fellow lawmakers regardless of their political colors and affiliations,” saad ni Velasco.