-- Advertisements --

Malaki ang naging papel ng endorsement ng 1Sambayan sa naging pasya ni Vice President Leni Robredo na ituloy ang pagtakbo sa pagkapangulo sa halalan sa susunod na taon.

Ayon kay Robredo, hindi naman niya plano talaga na tumakbo sa pinakamataas na posisyon sa bansa dahil ang balak niya talaga ay magpahinga o kakandidato na lang sa lokal na halalan.

Ito nga aniya ang dahilan kung bakit sinikap niyang magkaroon sana ng “unification” para tutulong na lang siya sa mga national candidates at uuwi na lang siya sa probinsya para doon na lang magbuhos ng serbisyo.

Pero noong inendorso na siya ng 1Sambayan, sinabi ni Robredo na doon na nagbago ang kanyang posisyon at seryosong kinonsidera ang pagtakbo bilang pangulo sa 2022 polls.

Nang mabigo naman ang unifaction talks, sinabi ni Robredo doon na napasok sa kanyang isipan kung sin ang kanyang susuportahan na lang sa naturang posisyon, partikular na ang kandidato na may kapareho niyang pananaw sa bagay-bagay.

Pero nabigo aniya siyang makakita ng kapareho niya ng values kaya nagdesisyon na lang siya na tumakbo kahit wala pang sapat na resources.

Oktubre 7 nang maghain ng kanyang kandidatura sa pagkapangulo si Robredo, habang kinabukasan naman si Sen. Francis Pangilinan na kanyang magiging ka-tandem.