-- Advertisements --
Payag ang Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na magpatupad ng mahigpit na quarantine, sa harap ng dumaraming COVID-19 cases sa ating bansa.
Pero ayon kay ECOP president Sergio Ortiz-Luis Jr., dapat ay matiyak ang pagbibigay ng ayuda sa mga maaapektuhan ng panibagong paghihigpit.
Sa kanilang panig, hangad umano ng mga employers na magpatuloy ang takbo ng ekonomiya, ngunit irerespeto nila ang anumang health and safety protocols, kasama na ang posibilidad ng lockdown.
Inaasahang sa pag-iral ng alert level 3, maraming manggagawa na naman ang maaapektuhan, lalo’t sakop na rin ng paghihigpit ang Bulacan, Cavite at Rizal.