-- Advertisements --
image 467

Nagpahayag naman ng pagkabahala ang Employers Conferderation of the Philippines (ECOP) para sa maliliit na negosyo kung kaya nilang maibigay ang dagdag na arawang sahod sa National Capital Region.

Ayon kay ECOP president Sergio Oriz- Luis Jr na hihikayatin ng grupo ang kanilang miyembro na sumunod sa bagong wage order.

Inihayag pa nito na bagamat hindi naman magrersulta aniya sa pagsasara ng mga maliliit na negosyo dahil sa wage hike ay maraming micro enterprises aniya na posibleng hindi na tumuloy pa na magbukas ng kanilang negosyo o magdagdag ng kanilang mga empleyado.

Kaugnay nito, hinimok ni Ortiz-Luis ang pamahalaan na tulungan ang maliliit na negosyo na maapektuhan ng dagdag na sahod.

Saad pa nito na nasa 90% ng lahat ng enterprises sa bansa ay micro, 80% ay small enterprises habang ang mas mababa sa 2% ang medium enterprises.

Dagdag pa nito na nasa 65% hanggang 70% ng mga mangagawa sa informal sector ay nagtratrabaho sa micro enterprises.

Ang Micro enterprises ay ang mga negosyo na mayroong mas mababa sa 10 empleyado at mayroong asset na pumapalo ng hanggang P3 million.