-- Advertisements --

Nananati ang signal number one (1) sa Batanes, dahil sa bagyong Emong.

Ayon sa Pagasa, namataan ang sentro ng sama ng panahon sa layong 165 km sa hilagang kanluran ng Itbayat, Batanes.

Kumikilos ito nang pahilagang kanluran sa bilis na 25 kph.

May taglay pa rin itong lakas ng hangin na 55 kph at may pagbugsong 70 kph.

Pero kahit makalayo sa tropical depression Emong, maaari pa ring ulanin ang malaking bahagi ng bansa dahil sa pag-iral ng habagat.