-- Advertisements --

Tiniyak ni TV host Jimmy Kimmel na magiging kapana-panabik ang gagawing Emmy Awards ngayong taon.

Ito ay kahit na sa virtual version na ang gagawin bunsod pa rin ng coronavirus pandemic.

Ayon sa beteranong TV host na masosurpresa ang mga manonood lalo na ang nominees sa kanilang gagawing real time program sa 125 na lugar sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Gumawa na lamang ng paraan ang producers sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga camera kits at microphones sa lahat ng mga nominees.

Ilan sa mga winner ay makukuha nila ang kanilang trophies na ibibigay ng isang tao na nakasuot ng personal protective equipment.

Nadomina naman ng Netflix ang ceremony kung saan mayroon itong 160 na kabuuang nominees at isa sa panlaban nila ay ang drama series na “Ozark” na pinagbibidahan nina Jennifer Aniston at Laura Linney.
Isa ring paboritong manalo ay ang comedy na “Schitt’s Creek”.

Ilan sa mga nominado ay ang “The Crown” nina Olivia Colman at Helena Bonham Carter, ” The Marvelous Mars. Maisel” ni Rachel Brosnahan, “Pose” ni Billy Porter, “Mrs. America” ni Cate Blanchett, at “The Good Place” ni Ted Danson.

Mapapanood ang Emmy Awards alas-8 ng umaga sa Lunes oras sa Pilipinas.