Naging bahagi na ang British actres na si Emma Watson sa board ng French fashion giant Kering ang may-ari ng Gucci.

Hahawakan ng ‘Harry Potter’ star ang sustainability committee ng Kering matapos ang suporta na nakuha nito mula sa mga shareholders.

Nahaharap kasi sa batikos ang Kering dahil sa sustainability record nito.

Makakasama niya sa board sina dating Credit Suisse boss Tidjane Thiame at ang pinuno ng Chinese ride hailing giant Didi Chuxing na si Jean Liu.

Kilala si Watson bilang supporter ng eco-friendly fashion.