-- Advertisements --

Back to back win para sa Pilipinas ang pagkapanalo ni Emma Tiglao sa Miss Grand International 2025 na ginanap sa Bangkok, Thailand. 

Kinoronahan si Emma ng outgoing Miss Grand International 2024 na si CJ Opiaza, kapwa mula sa Pilipinas.

Pagkatapos koronahan si Emma, tumugtog ang pambansang awit ng Pilipinas sa venue, at sinundan ito ng kanyang unang walk bilang Miss Grand International 2025. 

Bago ito, sa Top 10 speech ni Emma, nagsalita siya laban sa korapsyon na nangyayari sa Pilipinas at iba pang mahahalagang isyu. 

Sa evening gown competition naman, hinangaan si Emma sa suot niyang kulay orange na gown na may matching feather cape na likha ni Rhian Fernandez.

Itinanghal bilang 4th runner up ang Venezuela; 3rd runner up ang Ghana; 2nd runner up ang Spain; at 1st runner up naman ang Thailand.