DAGUPAN CITY – Isinusulong ngayon ng Bureau of Fire Protection and pagkakaroon ng Organized Emergency Team sa mga malalaking mall sa lungsod gayundin ang pagsasagawa ng mga regular fire drills.
Ito umano ay paraan bilang pag-iwas sa sunog at pangangalaga rin ng mga buhay ng mga bisita at mga empleyado ng malalaking establisyemento.
Ito ang inilahad ni Fire Chief Inspector Georgian Pascua, city Fire Marshall ng nasabing lungsod sa isang eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan.
Kanya ring hinayag ang mataas na bilang ng mga mga business establishments na kailangang suriin at inspeksyunin.
Nasa 5,000 daw umano ang establisyimentong pangkalakalan at 400 ditoi ang kailangan pang inspeksyunin upang maisyuhan ng fire safety inspection permit.
Obligado raw ang mga malls na magkaroon ng mga emergency teams kaugnay upang maisyuhan muli ng Fire Safety Inspection Permit.
Bagamat wala pa naman daw umanong kaso sa kasalukuyan ng for closure ngunit marami ang mga kaso ng kakulangan ng fire fighting equipments tulad ng fire extinguishers, fire alarm,
smoke detectors, sprinkler systems at stand pipe systems.
Aniya ito ay mga minor lang naman umano at madaling i-comply.