Nkatakdang talakayin ng Members of the Parliament sa kanilang pagpupulong ngayong araw ang pagkakaroon ng emergency legistalationh kasunod nang lumalalang kaso ng coronavirus sa bansa.
Kasunod ito nang pagbibigay babala ni United Kingdom Prime Minister Boris Johnson na mas lalong hihigpitan ang ipinatutupad na anti-virus measures.
Sa ilalim ng naturang proposal ay maaaring magkaroon ng kakayahan ang mga law enforcement agencies na ikulong ang sinomang makikitaan ng sintomas.
Layunin din ng emergency legislation na ito na payagan ang mga retirado ng NHS staff na bumalik sa kanilang trabo na hindi nagkakaroon ng negatibong epekto sa kanilang pensyon.
Kasama rin diro ang pagpapabilis sa funeral arrangements at pagsagawa ng mga court hearings sa pamamagitan ng telepono o video call.
Inaasahan naman na aaprubahan kaagad ng MPs ang panukalang ito.
Ayon sa datos, umabot na sa 281 ang death toll sa UK, kasama rito ang pumanaw na 18-anyos na matagal nang may iniindang sakit.
Nasa 5,683 naman ang kumpirmadong kaso ng virus sa bansa.