-- Advertisements --

Bumawi sa kanyang big game si Joel Embiid nang pangunahan ang pagdala sa Philadelphia 76ers tungo sa panalo kontra sa host Boston Celtics, 108-103

Sa huling 1:22 sa 4th quarter sunod-sunod itong nagpasok ng nine points mula sa kabuuang 41 points at 10 rebounds para tuluyang bumangon ang Philadelphia at pahiyain ang Boston sa kanilang ika-16 na panalo.

Kasama rin naman sa bumida si Seth Curry na nagdagdag ng 26 points at seven assists at si Tobias Harris ay humabol ng 25 points at pitong rebounds para matigil ang kanilang tatlong sunod na talo.

Samantala sa panig naman ng Celtics nabaliwala naman ang pag-angat sa laro ni Jaylen Brown na may team-high na 30 points.

Nag-ambag din si Jayson Tatum ng 17 points, nine rebounds at six assists.