-- Advertisements --

LAOAG CITY – Wala ng buhay ng makita ang isang lalaki sa loob ng kanilang bahay matapos magpatiwakal sa Brgy. 55-A, Barit, Laoag City.

Base sa impormasyon mula sa PNP, ang biktima ay 61-ayos, may asawa, embalmer at residente ng nasabing barangay.

Sa imbestigasyon ng PNP, sinabihan ng 58-anyos na kapatid ng biktima ang pamangkin nilang 27-anyos para yayain ang biktima na kumain.

Agas na nagtungo ang kanilang pamangking ngunit akita na lamang nito ang biktima na nagbigti gamit ang nylon rope.

Sa paliwanag ng kapatid ng biktima, baso ang insidente ay nasabi nito na nangungulila siya sa kanyang pamilya at nasambit na humihingi ng tawad sa mga kapatid nito.

Kaugnay nito, sa resulta ng eksaminasyon ni Dra. Francis Manolito B. Dacuycuy ng City Health Office sa lungsod ng Laoag, ang biktima ay namatay dahil sa Asphyxia secondary to strangulation.

Lumalabas na naisipang magpakamatay ng biktma dahil sa problema sa pamilya.

Una ng nagpanawagan ng kapulisan na mahigpit na maisagawa ang counseling sa mga iba’t-ibang barangay para marinig ang problema ng bawat isa at maiwasan ang insidente ng pagpapakamatay.

Ito ay matapos rin na mairekod ang isa pang insidente ng pagpapakamatay sa mismong loob ng Governor Roque Ablan Senior Hospital sa lungsod ng Laoag ang isang pasyente.