-- Advertisements --
jcr content

Umapela ang Embahada ng Pilipinas sa Jordan sa mga awtoridad sa Israel na payagan ang tuluy-tuloy na paglika ng 46 na Pilipinong nagpahayag ng pagnanais na ma-repatriate mula sa Gaza.

Ito ay kasunod na rin naunsyaming pagpapalikas sa mga residente at dayuhan sa Gaza kabilang ang nasa 46 na Pilipino nitong weekend matapos na susepndihin ang pagbubukas ng Rafah border crossing patungong Egypt makaraang tamaan ng airstrike ang ambulansiya na ginagamit sa pagpapalikas sa mga sugatan mula sa hilagang parte ng Gaza.

Batay sa Gaza Health Ministry, nagresulta ang naturang strike ng pagkasawi ng 15 katao habang 60 iba pa ang sugatan.

Ayon naman sa Israel Defense Force, tinarget nila ang ambulansiya na ginagamit ng hamas terrorist cell at ang mga militante umano ang napatay sa kanilang inilunsad na strike.

Inakusahan kasi ng IDF ang Hamas na gumagamit ng mga ambulansiya para sa ipaghahatid ng mga militante at mga armas.

Samantala, mula sa 46 Filipinos na nakatakda sanang makalabas ng Gaza,, 2 dito ang buntis at isang sanggol.

Ayon kay PH Ambassador to Amman,Jordan Wilfredo Santos, nasa16ng 20 Filipinos sa first batch ang nasa Rafah na 10 minuto lang ang lalakarin bago maabot ang Rafah crossing.

Sa ikalawang batch naman, nasa 19 ng 26 na Pilipino ang nasa Rafah Governorate.

Sa ngayon aprtuloy pa rin ang pagkumbinsi ng Embahada sa mga Pilipino na lumikas na kabilang ang mga tumangging iwanan ang kanilang mga asawang Palestino.

Ngayong araw ay eksaktong isang buwan mula ng ideklara ang giyera sa israel noong October 7, kung saan sumampa na sa 9,700 Palestinian ang nasawi habang sa Israeli naman ang death toll ay umabot na sa 1,540.