Inanunsiyo ng bagong pinuno ng Twitter na si Elon Musk na ang site ay maniningil ng $8 bawat buwan upang i-verify ang mga account ng mga user.
Inihayag nito na ang nasabing plano ay magpapabago sa kasalukuyang sistema ng nasabing platform at lilikha ng isang bagong revenue stream para sa kumpanya.
Ginawa niya ang anunsyo ilang araw pagkatapos na ang pinakamayamang tao sa mundo ay nag-iisang kontrolin ang higanteng social media sa isang pinagtatalunang $44 bilyon na deal.
Nilinaw naman nito na ang pagpepresyo ng bagong plano ay iaakma sa mga bansa.
Isasama rin ang “priority” sa pagtugon at paghahanap ng mga post, na tinawag niyang “esensyal upang makontrol ang spam o scam.
Magkakaroon din ng mga pinalawak na kakayahan sa video, mas kaunting mga ad, at ang posibilidad para sa mga user na makakuha ng “paywall bypass para sa mga publisher na handang makipagtulungan sa Twitter.
Bibigyan din nito ang Twitter ng revenue stream para gantimpalaan ang mga content creators.