Palaisipan sa mga netizens ni Elmo Magalona sa tila urong-sulong na pagpapakilala nito sa kanyang non-showbiz girlfriend.

Ito’y matapos mag-post ang 25-year-old actor ng sweet photos nila ng kasintahan kasabay ng kanilang first anniversary kahapon, March 24.

Tanging “Ry” ang tawag niya sa nobya pero agad ding naging burado ang naturang IG post.

“Happy anniversary. Thank you for being my rock and for being you always. To more memories together. These are some of our milestones,” saad ni Magalona. “Sorry Ry for posting the last video. ILYSM.”

Nag-take two pa raw ito ng pag-post pero sinasabing binura rin kinalaunan.

Unang naging gilfriend ni Magalona ang aktres at dating love team na si Salvador.

Taong 2018 nang maging kontrobersyal ang kanilang paghihiwalay kung saan naungkat ang isyu hinggil sa umano’y pisikal na pananakit sa 21-year-old actress.

Napag-alaman na kapwa mula sa mga prominenteng pangalan sa showbiz sina Janella at Elmo.

Si Elmo ay anak ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona sa talent manager na si Pia Arroyo-Magalona.

Nasa mundo rin ng entertainment business ang mga kapatid niyang sina Maxene, Saab, at Frank Magalona.

Si Janella naman ay anak ng beteranang singer-actress na si Jenine Desiderio sa band vocalist na si Juan Miguel Salvador.