Kinumpirma nina Derek Ramsay at Ellen Adarna ang kanilang relasyon.

Kasunod ito sa ilang buwan na espekulasyon ng fans ng dalawa.

Sinabi ng actor na hindi nagkaroon ng panliligaw kung saan nagsimula ang kanilang relasyon ng madalas silang magkita dahil sa magkalapit ang kanilang bahay sa Alabang, Muntinlupa.

Lagi aniya nitong niyaya ang actress sa kaniyang bahay.

Nagsimula ang hinala ng mga fans noong Enero ng makita ang mga larawan nila sa social media na magkasama.

-- Advertisement --