GENERAL SANTOS CITY – Binulabog ang mag-partner na naka check-in sa isang lodging house matapos mahulog mula sa kisame ang isang lalaki at lumagapak sa kanilang kama.

Kinilala ang electrician na si Ricardo Segura, 35, residente ng San Isidro sa lungsod.

Sa imbestigasyon ng pulisya lumalabas na bumagsak si Segura sa kama ng dalawang naka-check-in.

Dahil dito, tumakbo ang babae at lalaki palabas nng kanilang silid dahil sa gulat na a tanging tuwalya lamang ang nakatakip sa kanilang katawan.

Dinala naman sa pagamutan ang electrician matapos nagka-injury ang kanang kamay ng tumama ito sa kama.

Hindi naman ipinasapubliko ang pangalan ng mag-partner na nagkataong naka-check-in.