-- Advertisements --

Sinimulan na ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang kanilang panibagong electrical maintenance at upgrading works.

Ayon sa Manila International Airport Authority (Miaa) na nagsimula ito ng ala-6 ng umaga hanggang alas-11 ng umaga ngayong Martes, Agosto 15.

Dahil sa nasabing pagsasaayos ay mawawalan ng suplay ng kuryente ang nasabing paliparan.

Pagtitiyak naman ng MIAA na mayroong nakatalagang mga generators para equipment na gagamitin sa nasabing paliparan.

Humingi ng MIAA ng paumanhin sa mga naapektuhang pasahero at tiniyak nila na ang nasabing pagsasaayos ay para sa kabutihan ng paliparan.