Target ng pamahalaan na mabuo ang El Niño team at pagbuwag ng El Nino task force sa loob ng 10 araw.
Paliwanag ng direktor sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na si Allan Tabel na ang kasalukuyang El Nino Task force na binuo noon ay kailangang buwagin dahil ito ay kasalukuyang pinamumunuan ng National Economic Development Authority (NEDA).
Ayon sa opisyal, inatasan sila ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa paglikha ng nasabing grupo para maiwasan ang kasalukuyang set up ng task force kung saan ang namumunong ahensya na NEDA ay nakatutok sa rehabilitasyon at post-impact ng weather phenomenon.
Ang bubuuing El Nino team ay posibleng pamunuan ng DILG, co-lead ang Office of the Civil Defense at iba pang mga ahensya.
Ilan sa mga inirekomendang mga ahensiya na isasama sa El Nino team ay ang Department of Agriculture, grupo ng mga eksperto na maaaring parte ng support group bunsod na rin ng epekto ng mga El niño sa agrikultura, enerhiya, marine at water resources sectors.
Kung matatandaan, una ng iniutos kamakailan ng Pangulong Marcos Jr ang pagbuo ng El Niño team para magpatupad ng isang whole-of-government approach para makapaghanda sa pagtama El Niño sa Pilipinas na posible sa huling quarter ng 2023 hanggang sa unang quarter ng 2024.