Inilabas ng Department of Scince and Technology ang ikawalang El Nino Alert nito, matapos matukoy ang umano’y lalo pang paglakas ng nasabing phenomenon.
Batay sa resulta ng pag-aaral ng mga eksperto ng nasabing ahensiya, nagpapakita na ng unti-unting paglakas ang El Nino at pagsapit ng huling kwarter ng 2023 ay posibleng maabot na nito ang strong category.
Ang nasabing prediksyon ay sa likod pa ng kasalukuyang Habagat na siyang nagpapaulan sa bansa, kasama na ang paghahatid ng above-normal na mga pag-ulan.
Inaasahan ng mga eksperto ng DOST na magpapatuloy ito hanggang sa unang kwarter ng 2024.
Pagsapit ng Disyembre, posible nang makaranas ng dry spell ang Abra, Batanes, at Cagayan, mula Luzon. Sa Visayas naman, asahan ito sa mga probinsya ng Negros Oriental, Bohol, Cebu, at probinsya ng Siquijor.
Samantala, mas maraming probinsya naman ang inaasahang makakaranas ng matinding dry condition.
Kinabibilangan ito ng Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, Bukidnon, Camiguin, Lanao del Norte, Misamis Occidental, Misamis Oriental, Davao de Oro, Davao del Sur, Davao Occidental, Davao Oriental, South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Basilan, Maguindanao, Lanao del Sur, Sulu and Tawi-tawi.
Bago umano ang magiging peak ng El nino, posibleng mararanasan ng iba pang mga probisnya sa buong bansa ang ibat-ibang lebel ng el nino hanggang sa unang kwarter ng 2024.