Inaasahang lalago pa ang ekonomiya ng Pilipinas ngayong taong 2023.
Ito ay batay sa pinakahuling forecast ng Organisation for Economic Cooperation and Development na nagpapakita na posibleng lumago pa sa 5.6% ang ekonomiya ng bansa ngayong taon.
Ayon sa naturang tanggapan, inaasahang mas magiging matatag ang ekonomiya ng Pilipinas sa second half ng taong 2023 kumpara sa 7.1% na contraction na naitala nito sa mga unang bahagi ng kasalukuyang taon.
Batay rin sa naturang forecast, ang Pilipinas ang mayroong pinakamataas na economic growth projection sa lahat ng mga bansang miyembro ng Association of Southeast Asian Nations.
Sumunod sa Pilipinas ay ang Indonesia na nakikitaan ng 4.7% ng paglago sa ekonomiya ngayong taon, 3.9% sa Malaysia, 2.8% sa Thailand, at 4.9% sa Vietnam.
Sinasabi rin sa naturang pag-aaral na ang fiscal stimulus activities na kasalukuyang isinasagawa ng gobyerno upang makatulong sa mga fuel activities ng parehong pampubliko at pribadong sektor ng bansa.
Kung maaalala, noong buwan ng Hulyo ngayong taon ay naranasan ang 4.7% na pagbaba ng ekonomiya sa loob ng 16 na buwan, hindi pa kasama ang volatile oil at food items na mayroong 6.7%.
Samantala, pagsapit naman ng taong 2024 ay inaasahan naman lalago ang ekonomiya ng Pilipinas ng hanggang 6.1%