lalago pa ng 7.2% ang ekonomiya ng bansa sa huling quarter ng kasalukuyang taon ayon sa Philippines Economic Update (PEU) na inilabas ng World Bank.
Ang matatag na performance ng ekonomiya sa unang tatlong quarters ay nakatulong sa pagluluwag sa mobility restrictions na nagpataas sa business at government spending.
Samantala, inaasahang babagal naman ang economic growth sa 2023 na dahil sa pagbaba ng consumer demand, mataas na inflation at mas mataas na interest rates na nakikitang magpapahupa sa household spending at investments.
Matatandaan na ang inflation noong Nobiyembre ay pumalo sa 8% na pinakamataas simula noong November 2008. Tinaasan din ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang benchmark interest rate nito sa kabuuang 300 basis points hanggang 5% para mapahupa ang inflation.
Kahapon lamang binabaan ng Development Budget Coordination Committee ang target na paglago ng ekonomiya para sa taong 2023 na nasa 6-7% habang pinanatili naman ang taregt na 6.5% hanggang 7.5% para ngayong taong 2022.