Maraming mga basketbolista na ang nagsumite ng kanilang kagustuhan na maglaro sa Gilas Pilipinas na sasabak sa Southeast Asian Games.
Ayon sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na tinanggap nila ang mga kopya ng pasaporte ng ilang mga manlalaro na sasabak sa SEA Games na gaganapin sa Thailand sa Disyembre.
Isinumite ang ilang mga requirements kay coach Norman Black na siyang mamumuno sa Gilas para sa SEA Games.
Ilan sa mga dito ay sina Kevin Quiambao, SJ Belangel, Quentin Mllora-Brown, Matthew Wright at Ray Parks.
Kasama rin na nagpahayag ng interest ay sina US NCAA player Remy Martin, Boogie Ellis, at Kihei Clark, UAAP stars Mike Phillips anat Mason Amos, ganun din sina Juan at Javi Gomez de Liano at Jason Brickman.
Sinabi ni Black na malalaman pa ang nasabing pinal na listahan pag malapit na ang pagsisimula na laro na mula Disyembre 9-20.