-- Advertisements --

Kampante si Trade Secretary Alfredo Pascual na lalo pang lalakas ang ekonomiya ng Pilipinas kumpara sa ekonomiya ng mga bansang nakapalibot dito.

Ayon kay Pascual, magpapatuloy ang mga maraming investment sa bansa, bilang resulta ng mga ginawa ni PBBM na pagbisita sa iba’t-ibang mga bansa at pagkakasapinal ng mga trade at investment deals kasama ang ibang bansa.

Ang mga naturang investment ay hindi lamang aniya magbibigay ng capital kungdi maging ang magagamit na teknolohiya sa Pilipinas.

Patuloy din aniya ang pag-welcome ng pamahalaan sa iba pang mga investment opportunities sa mga susunod na taon, na tiyak ding magbibigay ng karagdagang mga trabaho sa workforce ng bansa.

Maliban dito ay asahan din aniya ang mas maraming deals na maisasapinal sa mga susunod na taon, kasabay ng patuloy pa ring pag-enganyo ni PBBM sa mga malalaking international business leaders.