-- Advertisements --

Hindi malayong bumagsak ulit ang ekonomiya ng bansa sa first qyarter ng 2021 dahil nananatiling “repressed” ang jobs market, demand, borrwing at iba pang indicators sa bansa, ayon sa isang ekonomista.

Sinabi ni Sonny Africa ng IBON Foundation, posibleng aabot sa -5 percent ang gross domestic product ng bansa sa first quarter ng taon.

Sakali mang matupad ito, ito na ang magiging ikalimang magkasunod na quarter na mayroong negtive growth para sa ekonomiya.

Ayon kay Africa, mahalaga ang usapin na ito kasi hindi magkakaroon ng “fighting chance” ang Pilipinas na makakuha ng 4 hanggang 5 percent na GDP growth para sa buong taon kung aabot magkakaroon ng -5 percent contraction sa first quarter ng 2021.

Nauna nang sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua na malabong makapagtala ang bansa ng positive growth hanggang sa second quarter ng kasalukuyang taon.

Magugunita na noong 2020, bumagsak ng 9.6 percent ang ekonomiya ng Pilipinas, pinakamalala magmula noong World War 2.